Sabado, Marso 4, 2017



KABANATA I  

Sa ibabaw ng kubyerta



BUOD:
Umaga ng Disyembre sa ilog pasig ay sumasalunga ang bapor tabo. Lulan nito sa kubyerta ay sina Ben Zayb, Don Custodio, Padre Salvi, Padre Irene, Kapitan heneral, Donya Victorina at Simoun. Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Ani simoun naman na kilalang tagapayo ng Kapitan Heneral ay gumawa ng tuwid na kanal na maguugnay sa lawa ng laguna at sa look ng maynila. Nakipagtalo si Don Custodio ukol dito dahil wala silang salapi na maibabayad sa mga manggagawa. Ayon naman kay Simoun ay hayaan ang sapilitang paggawa nang walang bayad. Nag-aalala ang padre sa maaaring paghihimagsik. Ayon kay Simoun, ang mga maggagawa naman sa Ehipto at Romana ay hindi naghihimagsik.  Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ilan pang mga pari. Sinabi naman ni Don Custodio na maaaring mag-alaga nalang ng itik o pato na makakakain din ng lupa. Ayaw naman ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng mga ito dahil dadami raw ang mga balot na kung saa’y pinandidirihan nya.

TAUHAN:
Ben Zayb,
Don Custodio,
Padre Salvi,
Padre Irene,
Kapitan heneral,
Donya Victorina
Simoun

SULIRANIN:
Ang suliranin sa kabanatang ito ay ang hindi pagkakaintindihan ng bawat isa dahil sa kanilang ibat ibat opinion na kung saan ang kanilang gusto lamang ang dapat matutupad. Pangalawa ay ang diskriminasyon sa mga mahihirap o mga taong walang kaya kagaya ng sitwasyon sa bapor tabo na ang mga mayayamang tao ay nasa itaas habang ang mga mahihirap ay nagsisiksikan sa ibaba.

ISYUNG PANLIPUNAN:
Tulad sa unang kabanata, nagkaroon ng dalawang lugar ang mga tao sa kubyerta. Ang mga makakapangyarihan ay nasa itaas, habang ang mga indyo, instik at iba pang mga mahihirap ay nasa ibaba. Ipinapakita ang kalagayan ng pamahalaan kung saan mas binibigyang halaga/tuon ang mga mayayamang tao. Habang huli na binibigyang serbisyo ang mga taong walang-kaya at mas nangangailangan.

GINTONG ARAL:
Dapat mangingibabaw ang respeto upang rerespetohin din tayo ng ibang tao. Dapat ring magkaroon ng pantay-pantay na pagrtato sa ating kapwa tao, mahirap man o mayaman, bata man o matanda, maykapansanan man o wala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento